Maraming ang nagnanais na makapag trabaho sa ibayong dagat upang guminhawa at magkaroon ng magandang pamumuhay. Ang pagkakataon na makapagtrabaho sa abroad lalo na sa bansang Estados Unidos upang matupad ang mga pangarap ng bawat Filipinong OFW (Overseas Filipino Worker).

Ayon sa isang U.S.-based Pinoy labor group, napakaraming caregiver ang kakailanganin ngayon sa Estados Unidos, subalit pinangangambahan ng mga Filipino ang “America First” policy ni President Donald Trump na kung saan ay sa mga Amerikano muna ibibigay ang trabaho bago sa mga banyaga.

Ayon sa PWC (Pilipino Workers Center), isa ang pagiging caregiver sa mga trabahong hindi kinukuha ng mga Americano kung kaya isa itong opportunity para sa mga Filipino OFW na pasukan ang trabahong nabanggit.

Ilan naman sa mga labor analyst ang nag-aalala sa mga salitang binibitawan ni Pangulong Duterte kontra sa Estados Unidos ay posibleng maging dahilan ng pagkasira ng relasyon ng dalawang bansa at maging hadlang na makapag trabaho ang mga Filipino dito.

Tiniyak naman ng Trump administration na hindi apektado ang mga trabaho ng mga Pinoy kung kaya maluwag at malaya silang makapag ta-trabaho dito.

Siniguro din ng Estados Unidos na hindi nito tatalikuran ang Pilipinas at ipagpapatuloy pa rin na maging matibay at maayos ang relasyon nito sa bansa.

Filipina caregiver caring a foreign patient – image credit to villamorhighschool.org

Ayon naman sa mga American analyst, isa sa nakikitang dahilan sa pagiging maluwag sa mga Filipino OFW ay ang istilo ng pamumuno ni Trump at Duterte na may pagkakapareho kung kaya inaabangan ng lahat kung paano magkakasundo ang dalawa.

Samantala, dahil na din sa lumalaking bilang ng mga Senior citizen sa Estados Unidos, kung kaya’t libu-libong caregiver ang kakailanganin sa darating pang mga taon. -Bruce Ivan

SHARE

NO COMMENTS