Ang pagsulpot ng mga electric bikes or e-bikes na walang rehistro at minamaneho ng mga drayber na walang lisensya ay ikinabahala ng LTO (Land Transportation Office).

Hindi ito sakop ng batas, pagkakaalam ng marami at marami din kumakalat na pahayag na nagsasabing hindi na kailangan ang rehistro kapag bumili ng e-bike. Ito ay ayon sa mismong dealer nito.

Ayon sa LTO, “Hindi ka dapat nago-operate [ng e-bike] kung walang lisensya.

Ang presumption, hindi mo alam kasi wala kang training…Ang registration, mandatory requirement iyan para sa insurance,” ani Francis Almora, direktor ng law enforcement service ng LTO.

Pahayag din ng LTO na hindi din ito maaring gawing dahilan ng mga nagbebenta at mga bumibili ng e-bike upang igiit ang kakulangan nito ng kaalaman sa batas upang makaiwas sa paghuli at pag kumpiska ng E-Bike dahil saklaw ng Land Transportation Code ang mga de-kuryenteng sasakyan.

Ilang e-bike na ang nakumpiska ng LTO na dumaan sa mga pangunahing lansangan sa Pasay, EDSA, at sa Commonwealth Avenue ngayong linggo lamang. Kung kaya bago ito payagang matubos ng may-ari ay irerehistro muna ito.

Kung sino man ang mahuhuli na nagmamaneho na walang lisensya ay magbabayad ng multang P10,000 at pagbabawalang kumuha kahit ng Student permit sa loob ng isang taon.

Hindi raw alam ng isa sa tindahan sa Quezon City at Caloocan na bawal ilabas ang electric bike na walang lisensya at rehistro ng gumagamit.

Sa ngayon ay nakahanda ng ipapatawag sa opisina ng LTO ang mga dealer na nagbebenta ng e-bike para imbestigahan.

Maaring masampahan ng kaso ang mga e-bike dealer sa oras na makumpleto na ng LTO ang mga dokumento ng mga reklamo dito. – IvanBruce

SHARE

NO COMMENTS